Nagbabala ang World Bank, International Monetary Fund, at World Food Programme na magdudulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain ang patuloy na digmaan sa Middle East.
Ayon sa kanilang pahayag, ang pagsirit ng presyo ng langis, gas, at fertilizer ay direktang makakaapekto sa food supply, lalo na sa mahihirap at import-dependent na bansa. Bagama’t may pansamantalang tigil-putukan sa pagitan ng United States at Iran, nananatiling mataas ang tensyon dahil sa nagpapatuloy na labanan sa rehiyon.
Binigyang-diin din na ang krisis ay isa sa pinakamalaking disruption sa global energy market, na maaaring magpalala sa food insecurity. Ayon sa mga exksperto, wala pang food crisis sa ngayon ngunit posibleng mangyari ito kung maaapektuhan ang suplay ng fertilizers. (report by Bombo Jai)
















