Humingi na ng paumanhin si Camarines Sur Vice Gov. Imelda Papin para sa mga na-offend sa pagkanta niya ng “Iisang Dagat” na komposisyon ni Chinese Amb. Huang Xilian.
Ayon kay Papin, hindi niya alam na mababahiran ng political issue ang isang magandang awitin.
Dumipensa rin ito sa mga nagbansag sa kaniya bilang traydor sa ating sariling bansa.
Giit ng bise gobernador, wala siyang inasam na pakinabang sa pag-interpret ng nasabing kanta.
Katunayan, libre daw niya itong ginawa at wala siyang tinanggap na anumang kapalit sa pagbabahagi ng kaniyang talento.
Balak ni Papin na kausapin si Amb. Huang kaugnay ng kaniyang saloobin at sa mga batikos na inaani dahil sa pagiging bahagi ng kontrobersyal na awitin.
Sa kasalukuyan, umani na ng 2,000 likes ang naturang komposisyon, habang 142,000 naman ang dislikes dito.