Crame cars policemen PNP

Nasa huling yugto o final stage na umano ang isinagawang adjudication process and validation para sa 356 umano’y narco cops na kabilang sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ni PNP spokesperson Ben. Gen. Bernard Banac.

Paliwanag ni Banac, nagsumite na ng kanilang resulta o hatol ang regional adjudication board sa national adjudication board sa Kampo Crame at kasalukuyang nire-review na ito sa ngayon.

Nabatid na isang linggo na lang ang natitira para matapos ng PNP ang adjudication process sa narco-cops.

Sa March 3 na kasi ang deadline nito kung saan kanila itong ipapasa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kumpiyansa si Banac na bago dumating ang March 3 deadline ay matatapos na nila ang kanilang rekomendasyon.

Binigyang-diin din ni Banac na mananagot ang mga pulis na nagbigay ng maling impormasyon hinggil sa mga narco cops.