-- Advertisements --

Ongoing na ngayon ang moto propio investigation ng PNP Internal Affairs Service (IAS) laban sa mga pulis na nagkamali sa pag-aresto sa isang journalist sa Laguindingan Airport noong June 9, 2019.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty Alfegar Triambulo, may nakita silang paglabag sa karapatang pantao sa insidente kaya nagsagawa na sila ng imbestigasyon sa mga pulis.

Sinabi ni Triambulo, hindi sapat ang paghingi lamang ng paumanhin ng mga pulis na umaresto sa kolumnista ng Online Davao Today na si Fidelina Margarita Valle.

Aminado si Triambulo, pumalpak ang intelligence ng mga arresting team sa pangunguna ng CIDG Region 9.

Sa ngayon, hinihintay ng IAS ang pahayag ni Valle.

Sinabi pa ni Triambulo sa sandaling simulan na ang pre-charge investigation dito na madedetermina kung dapat sampahan ng grave misconduct ang mga arresting team dahil sa kapabayaan sa trabaho, arbitrary detention at paglabag sa human rights.