-- Advertisements --
image 412

Sinimulan nang imbestigahan ng mga Canadian auhorities ang nangyari sa Titan Submersible na unang napaulat na nawala hanggang sa tuluyang sumabog habang nasa ilalim ng karagatan.

Ang nasabing imbestigasyon ay sa pangunguna ng Transportation Safety Board ng Canada.

Ayon kay Transportation Safety Board(TSB) chair Kathy Fox, layunin ng isinasagawang imbestigasyon ay upang matukoy kung ano ang tunay na nanyari at maiwasang mangyari pa ito sa hinaharap.

Batid aniya ng Transportation Board na lahat ay may mga katanungan, lalo na ang mga pamilya ng limang nasawi, kayat nais din nilang makita ang katotohanan sa likod nito.

Ayon kay Fox, posibleng tatagal ang nasabing imbestigasyon sa loob ng 18 months hanggang sa dalawang taon.

Bilang inisyal na hakbang tinungo na ng mga TSB ivestigators ang Polar Price cargo ship, ang barkong naatasang magbiyahe sa natitirang straktura ng Titan papunta sa Atlantic.

Tinitingnan na rin ng Royal Canadian Mounted Police kung may mga criminal laws na maaaring nalabag sa naging expedition ng Titan: mula sa launching hanggang sa tuluyan na itong nawala sa radar.