-- Advertisements --
image 64

Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na ang pagsisiyasat sa money laundering at rigged bidding allegation ng gobyerno ng United States (US) laban kay dating Comelec chief Andres Bautista ay kapaki-pakinabang para sa proseso ng procurement ng poll body.

Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na ang Office of the Chairman’s newly-formed task force ang siyang namamahala sa pagsisiyasat sa mga alegasyon laban kay Bautista.

Aniya, malaking tulong ito para tingnan ang bahagi ng procurement process na mayroon ang Comelec.

Kung mapapatunayan ang mga illegal na aktibidad, ito aniya ay kanilang ring agad na aaksyunan upang makapagpataw ng kaukulang mga parusa.

Ginawa niya ang pahayag kasunod ng kanyang kumpirmasyon ng kanilang buong kooperasyon sa US matapos itong humingi ng tulong sa Comelec noong nakaraang taon.

Matatandaan na humiling ang US ng mga kopya ng mga dokumento at testimonya mula sa ilang tauhan ng Comelec na may kaugnayan sa umano’y pagtanggap ni Bautista ng pera mula sa hindi pinangalanang elections technology firm para makakuha ng mga kontrata para sa 2016 polls.

Sinabi ni Garcia na ang pagkakaroon ng hiwalay na imbestigasyon ay maaaring makatulong sa pagtukoy kung ang ibang sangkot na tao ay nasa Comelec pa rin.