NAGA CITY – Matagumpay na narekober ng tropa ng gobyerno ang ilang malalakas na pampasabog kasama ang iba pang kagamitan ng New People’s Army (NPA) sa Labo, Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Jose Aceret, executive officer ng 96th Infantry Battalion, sinabi nito na una nang nagsagawa ng joint operation ang nasabing ahensya kasama ang 2nd Camarines Norte Provincial Mobile Force Company.
Ayon kay Aceret, nakumpiska nila ang aabot sa 761 na tnt tubes, 400 meters na detonating cord, at ilang kagamitan sa pagtuturo ng komunistang NPA.
Dagdag pa nito na dati pang may nagpaabot ng pangamba ang ilang residente ng Barangay Malibago ng nabanggit na bayan dahil sa presensya ng mga pinaniniwalaang NPA.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi ito ang mismong kuta ng NPA.