Binigyang-diin ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na kakailanganin ang dagdag na P350 minimum wage sa sahod para matugunan ang mga pangangailangan ng mga manggagawa.
Ipinunto din ni Garin na kailangan buksan ang bansa sa mas maraming mamumuhunan o gawing investor firendly upang maging prosible ang nasabing taas-sahod.
Ayon sa Kongresista, hindi pa rin sapat ang P100 na taas-sahod na ipinapanukala ng Senado para sa isang minimum wage earner at magkakaroon ito ng epekto sa sektor ng negosyo, pangunahin na ang micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs), kung saan binanggit halos 95 hanggang 98 porsiyento ng ang mga negosyo ay MSMEs.
Binigyang-diin ni Rep. Garin ang pangangailangang balansehin ang kalagayan ng parehong mga employer at empleyado dahil posibleng magkakaroon ng workforce reduction dahil hindi mapanatili ng mga kumpanya ang mga gastusin sa pagtaas ng suweldo para sa kanilang mga empleyado.
Una rito, iginiit ng mambabatas sa Iloilo na pinag-aaralan na ng mga miyembro ng House of Representatives ang panukalang batas upang matiyak kung ito ay posible.
Samantala, inihayag din ni Garin na siya ring vice chairperson ng Committee on Appropriations na kakailanganin ang Charter Change para mapalakas ang ekonomiya ng bansa at ito ang magigingt paraan upang mapataas ang suweldo ng labor force.