-- Advertisements --

Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Lakas CMD sa Kamara sina Iloilo 1st district Rep. Janette Garin, at La Union 2nd district Rep. Dante Garcia.

Si Garin ay mula sa National Unity Party o NUP, habang si Garcia ay galing naman sa People’s Reform Party o PRP.

Pinangunahan ni Lakas-CMD President at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panunumpa ng dalawang mambabatas.

Tinunghayan naman ito nina House Majority Leader Manuel Jose Dalipe at Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Dahil sa panunumpa ng dalawa, aabot na sa 94 ang mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara.

Ang Lakas CMD party ang may pinaka maraming miyembro sa Kamara.