-- Advertisements --

Napili ang lalawigan ng Ilocos Sur para maging host ng 2022 Batang Pinoy Naitonal Championship.

Pinangunahan ni PHILIPPINE Sports Commission (PSC) chairman Jose Emmanuel “Noli” Eala at locos Sur Gov. Jeremias “Jerry” Singson ang pirmahan ng memorandum of agreements.

Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ng PSC ang 15-under multi-sports events mula noong 2019 .

Huling ginanap kasi ito noong 2019 sa lungsod ng Baguio kung saan sila ay nagkampeon at matapos nito ay nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.

Gaganapin ang nasabing torneo mula Disyembre 17 hangang 22 na mayroong 600 gold medals at paglalabanan ng 17 sports events.

Unang naiplano ang torneo ng Disyembre 4 subalit mayroong ibinaba ang Department of Education na kautusan na ipiangbabawal ang mga estudyante na magsagawa ng extra curricular activities sa araw ng mga pasukan kay ito ay inilipat sa Disyembre 17.

Naniniwala si Eala na magiging matagumpay ang Ilocos Sur sa hosting nila ng nasabing events.