-- Advertisements --

LAOAG CITY – Muling nakapagtala ng tatlong bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang probinsiya ng Ilocos Norte dahilan para umabot na sa 115 ang kumpirmadong kaso.

Ang dinapuan na si IN-C113 ay tatlong taong gulang na batang babae habang si IN-C114 ay 35, babae, isang abogada (APOR) at si IN-C115 ay 73 na lalaki at kapwa mga residente ng Barangay Lioes, Currimao at na-exposed kay IN-C107.

Base sa inilabas na statement ni Governor Matthew Marcos-Manotoc, si IN-C113 at IN-C114 ay kasalukuyang naka-quarantine at walang sintomas ng sakit a covid habang si IN-C115 ay naadmit sa ospital at symptomatic.