-- Advertisements --
Ilocos Mathew Manotoc laoag
Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc

Pormal nang magbubukas sa Oktubre 15 ang Ilocos Norte para sa mga turista mula sa Luzon.

Ito ngayon ang kinumpirma ni Department of Tourists (DoT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Nagpasalamat din ito kay governor Matthew Marcos-Manotoc dahil sa kanyang desisyon na payagang mamasyal na sa kanilang probinsiya ang mga turista mula sa ano mang bahagi ng Luzon.

Makikita sa naturang probinsiya ang sikat na sand dunes, centuries-old churches, beaches at windmills.

Pero nagpaalala naman si Puyat sa mga turistang kailangan nilang magprisinta ng negative swab test result ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) dalawang araw bago ang kanilang pagpasok sa naturang probinsiya kapareho sa protocol na ipinatutupad sa Boracay.

Maalalang noong Oktubre 1 ay pormal na ring binuksan ang Boracay para sa mga turista maging sa Baguio City na binuksan pero para lamang sa mga karatig na probinsiya.