-- Advertisements --
doj GUEVARRA
DOJ chief SEC MENARDO GUEVARRA

Papasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa mga iligal na ospital na nag-aalok ng serbisyo kontra sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa bansa.

Ang mga naturang ospital ay kalimitang tumatanggap lamang ng mga Chinese nationals na pasyente at pawang mga Chinese Rin ang mga nag-o-operate.

Sinabi ni Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra, dahil lumalabas na walang supervision at walang permiso mula sa pamahalaan ang operasyon ng mga medical clinics sa Clark Freeport Zone sa Pamapanga at ang nadiskubreng kaparehong clinic sa Makati, hindi raw malayong makompromiso ang kalusugan ng mga pasyenteng siniserbisyuhan nito.

Inatasan na rin ni Guevarra ang Bureau of Immigration (BI) na tulungan ang PNP para tugisin ang iba pang underground clinics at ang mga taong nagpapatakbo sa mga ito.

Kapag mayroon na umanong sapat na ebidensiya ay kailangang sampahan agad ng kaso ang mga sangkot sa iligal na pag-o-operate ng mga ospital.

“It seems that clandestine medical clinics catering mostly to foreign nationals have sprouted and have been operating without proper authority. considering that they are not being supervised by the government, it is possible that the health of people who seek treatment in these illegal facilities is being compromised. I will therefore ask the NBI and the BI to help the police in locating other similar underground clinics and the people running them, and if warranted, to file the appropriate charges against them,” ani Guevarra.