-- Advertisements --
Maraming mga UFC fans ang naniniwalang sasabak muli sa laban si dating heavyweight world champion Brock Lesnar.
Kasunod ito ng anunsiyo niya na nagtapos na ang kontrata niya sa WWE.
Isa dito na nais makaharap siya ay si Stipe Miocic.
Sinabi ni Miocic na hihintayin niya ang desisyon ni Lesnar kung papayag itong makalaban niya.
Kabilang din si Jon Jones na kamakailan ay binakante nito ang kaniyang UFC light heavyweight world title ang nagnanais na makaharap si Lesnar.
Huling lumaban ang 43-anyos na American fighter noong July 2016 sa UFC 299 kung saan binawi ang kaniyang panalo matapos na magpositibo ito sa iligal substance.










