-- Advertisements --
Ilang turista daw ang stranded ngayon sa Batanes dahil sa bagyong Neneg.
Ayon sa Batanes Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) head Ceasar Roldan Esdicul ito ay kasunod na rin nang pagkansela ng Philippine Airlines (PAL) sa kanilang flight dahil na rin sama ng panahon.
Dalawang araw din umanong nagkaroon pa ng biyahe pero nabawasan ito.
Inaasahan naman nilang bukas o sa Martes ay makakabiyahe na ang mga stranded na mga pasahero.
Kanina lamang nang kanselahin ng Manila International Airport Authority ang ilang flights dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.