-- Advertisements --

Hiniling ng ilang telecommunications company sa gobyerno na kung maari ay palawigin pa ang mandatory SIM Registration.

Ito ay dahil sa mababang mga nagpaparehistro ng kanilang sim ilang araw bago ang deadline na Abril 26.

Kapag hindi na pinalawig ang SIM Registration ay tiyak na maraming mga negosyo ang maapektuhan lalo na kapag ang kanilang customers ay hindi pa nakapagparehistro.

Gumagawa na rin aniya ng paraan ang mga telcos para maiparehistro ang lahat ng mga SIM Cards.

Una ng sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na pinag-aaralan pa nila kung papalawigin pa ang nasabing SIM Registration.