Hindi magiging merry ang christmas ng ilan sa ating mga kababayan ngayong taon.
Ito ay matapos na ma-delay ang pagdating ng ilang mga barko sa ilang mga pantalan sa bansa nang dahil pa rin sa epekto ng shear line at nagdaang bagyong Kabayan sa bansa.
Tulad na lamang ng sitwasyon ngayon sa Manila North Port Terminal kung saan mayroong ilang mga pasaherong uuwe sana sa kanilang mga probinsya para magdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaalis sa pantalan.
Ilan kasi sa mga barkong kanila dapat sasakyan ay sa darating na Martes pa, o sa Disyembre 26, 2023 pa inasaahang makakabalik sa naturang pantalan nang dahil sa masamang lagay ng panahon.
Samantala sa datos, pumalo na sa mahigit 5,400 na mga pasahero ang kasalukuyang nananatili ngayon sa mga pantalan at naghihintay sa pagdating ng kanilang mga barkong kanilang sasakyan mula pa noong Disyembre 22, 2023.