-- Advertisements --
image 1

Mayroon pa umanong mga concerns ang ilang senador sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) kayat kailangan pa itong ratipikahan.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ito ay may kaugnayan pa rin sa epekto ng Regional Comprehensive Economic Partnership sa agriculture sector.

Sinabi ni Zubiri na ang Regional Comprehensive Economic Partnership ay isa sa mga topic na pinag-usapan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Martin Romualdez sa isang pagpupulong noong weekend.

Noong nakaraang linggo, naglabas ang Presidential Communications Office (PCO) ng statement na nagsasabing isinusulong ni Pangulong Marcos para sa pagratipika sa free trade agreement.

Si Senator Imee Marcos na kapatid ng pangulo ang chair ng Senate foreign relations committee na siya namang in charge sa pag-deliberate sa lahat ng agreements at treaties na kailangang ratipikahan.

Ayon kay Zubiri, nais daw ni Senator Marcos na magsagawa ng isa pang hearing dahil sa kanyang mga concerns para sa agriculture sector.

Ang Regional Comprehensive Economic Partnership ay free trade agreement sakop ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at partners na Australia, China, Japan, South Korea at New Zealand.

Una rito, nagpahayag ang isang opisyal ng pamahalaan na malaki ang benepisyo sa bansa ng pagratipika sa Regional Comprehensive Economic Cooperation.

Sa kabila nito, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo na dapat ay magkaroon pa rin ito ng safeguards para masiguro na ang mga key agricultural products ay protektado.

Sinabi ni Castelo, limitadong agricultural tariff lines din lamang ang maaapektuhan kapag naipatuad na ang Regional Comprehensive Economic Cooperation.

Aniya nasa 15 agricultural products ang apektado at hindi naman daw ito basic agricultural products na mayroon ang bansa.

Hindi naman kasama rito ang bigas, asukal at mais at iba pang basic agriculture products na karaniwang kinokonsumo.