Nagpahayag ng kanilang pagkadismaya ang ilang senador sa nagaganap na patuloy na paglalayag ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Dahil dito ay nag-adopt sila ng resolution na nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa ginagawang pambubully umano ng China.
Una rito ay nagsagawa ng privilege si Senator Francis Tolentino at ipinakita ang mga larawan at video ng insidenteng nangyari noong Nobyembre kung saan kinuha ng mga Chinese Coast Guard ang umanoy rocket debris na natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Navy.
Itinanggi ito ng Chinese Embassy kung saan nagkaroon lamang ng ‘friendly consultation’ ang naganap sa pagitan ng Philippine Coast Guard at ng Chinese Coast Guard.
Isa rin si Senator Loren Legarda ang tila nagalit sa ginawa nito ng China at sinabing hindi pinapakinggan ng China ang ipinapadalang diplomatic protest.









