-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pansamantalang lumikas kagabi ang ilang residente sa Mintal nitong lungsod matapos makaranas ng pagbaha ang nasabing barangay dahil sa malakas na pag-ulan.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nasa “yellow code” ang Talomo at Lipadas River.

Samantala, apat na pamilya o katumbas ng 22 indibidwal ang lumikas sa kanilang mga bahay sa Purok 15 sa Mintal patungong Mintal Gymnasium.

Nasa anim na pamilya naman o 18 indibidwal ang lumikas sa Purok 23, Sto. Niño Mintal, matapos na umapaw ang creek sa area na nagresulta sa pagbaha.

Apat na pamilya o 22 indibidwal ng lumikas sa Purok 15, Mintal, dahil pa rin sa pagbaha at temporaryo dinala ang mga ito sa Mintal Gymnasium.

Nanawagan naman si Alfredo Baloran, hepe ng CDRRMO na manatiling alerto ang mga naninirahan sa mga lugar na delikado sa mga pagbaha at landslide.