-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Halos hindi madaanan sa ngayon ang dalawang barangay sa bayan ng Lake Sebu dahil sa nangyaring malawakang pagbaha matapos makaranas ng malalakas na pag ulan bunsod ng Low Pressure Area.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, sinabi nitong lubog sa tubig-baha ang ilang kabahayan sa kanilang lugar lalo na ang nasa mga mababang lugar kaya naman inilikas ang ilan sa mga residente.

Kabilang sa mga nasabing baranagay ay ang Brgy. Lamlahak at Brgy. Ned sa nasabing bayan.

Samantala, agad naman umano sila rumesponde kasama ang kaniyang mga tauhan upang magbigay ng pangunahing tulong sa mga apektadong residente.

Sa ngayon, nasa yellow warning parin ang kanilang lugar dahil sa masamang panahon dala nama ng LPA.