-- Advertisements --

Nagkumahog ang ilang milyong residente ng Hokkaido, Japan matapos ang pagpapalipad ng missiles ng North Korea.

Nagdulot ng pagkalito at pagkatakot ang insidente kung saan nakatanggap ng evacuation warnings ang mga residente.

Matapos ang ilang minuto ng batikusin ng residente ang nasabing warning ay tinanggal ng gobyerno ang nasabing warning.

Ipinaliwanag ng gobyerno na nagkamali lamang silan ng pagpapdala ng warning sa mga residente.

Ipinaliwanag naman ni Japan’s Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno na tama lamang ang ginawa ng kanilang gobyerno na magbigay ng babala dahil sa limitado ang kanilang impormasyon.

Kanila lamang tinanggal ang pagbibigay babala ng makakuha na ng sapat na impormasyon ang kanilang gobyerno ukol sa missile launch ng North Korea.

Ang nasabing mid o long range ballistic missiles na pinakawalan ng North Korea ay hindi dumaan sa lupain ng Japan.