-- Advertisements --

Pina-aayos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga sablay na naitala kahapon sa unang araw ng ayuda distribution sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Partikular na rito ang unahan pa rin sa pila sa ilang lugar sa Metro Manila.

Pero ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, naipaliwanag na kahapon sa mga recipient ng ayuda na hindi ito madadaan sa unahan, dahil may schedule na sinusunod.

Nilinaw din ng opisyal na hindi pinupulitika ang pamamahagi ng ayuda dahil nasa monitoring sila para matiyak na walang makikialam na ibang opisyal, maliban sa mga lehitimong namamahagi nito.

Sa lungsod ng Maynila, naging maayos naman ang pamamahagi ng pera sa mga qualified na pamilya.

Katunayan, umabot na sa P74.6 million na agad ang nai-release para sa 18,670 beneficiaries.