Hindi na itinanggi ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua na may ilang produkto ang inaasahang tataas ang presyo sa buwan ng Abril.
Ito ay dahil sa patuloy na krisis sa Gitnang Silangan kung saan naapektuhan ang suplay ng produktong langis.
Dagdag pa nito na ilang mga sangkap o raw materials ng mga produkto sa supermarkets ay galing pa sa ibang bansa.
Kapag nagtagal pa ang giyera sa Iran ay asahan na lahat ng mga produkto sa supermarkets ay tataas.
May ilang produkto na rin ang nagtaas lalo na sa mga probinsiya dahil sa kinailangan pa na ito ay ibiyahe kung saan dahil sa taas na presyo ng petrolyo ay ipinapatong ng ilang negosyante ang mga presyo nito.
Para sa Abril 1 ay may ilang mga manufacturers na ang nag-abiso na sila ay magtataas ng presyo.
















