-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihayag ni Karen Mae Medalla, taga Cagayan de Oro at nakabase ngayon sa Khartoum Sudan, na simula umano noong araw ng Lunes ay hindi na sila lumalabas sa kanilang mga bahay dahil sa nangyayaring military coup at isinagawang protesta nga mga tao sa nasabing lugar.

Ayon kay Karen na hindi na bago sa kanila ang nangyaring kaguluhan sa Sudan dahilan na nag-iimbak sila ng pagkain habang nasa kanilang mga bahay.

Una na rin umano silang pinayuhan ng Philippine embassy sa Sudan na huwag lumabas sa kanilang mga bahay para hindi madamay sa kagulohan ng mga protesters at sa nagpapatuloy na pagtaas ng mga nahawa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.

Wala rin silang plano na aalis sa nasabing bansa hangga’t walang abiso na ilalabas ang embahada para sa isasagawang repatriation.