-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tahimik na dumating sa Melbourne, Australia si Presumptive Presdent Bongbong Marcos ngunit nakatunog ang local media at Filipino Community kaya nagsagawa sila ng rally.

Nagsagawa sila ng rally sa harapan ng tinutuluyan ni Marcos sa downtown Melbourne.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Denmark Suede, nurse sa Sidney na buhay na buhay ang demokrasya sa Australia kaya pinapayagan ang mga kilos protesta basta hindi makakasagabal sa seguridad ng bisita at mga mamamayan.

Kaunti lang aniya ang bilang ng mga aktibistang Pinoy na nagsagawa ng kilos protesta.

Ayon kay Ginoong Suede, tumawag si Prime Minister Scott Morrisson kay Presumptive President Marcos bilang bahagi ng diplomatic protoccol lalo pa at kaalyado ng Australia ang Pilipinas.

Nagbigay aniya ng seguridad ang Australia kay Marcos.

Sinabi rin ni Ginoong Suede na fake news ang lumabas sa social media na nagbeam ang mukha nina Marcos at incoming vice president Sarah Duterte nang pailawan ang Sydney Opera House.

Hindi aniya ito gagawin ng Australia.

Pangunahing layunin ng pagtungo ni Marcos sa Melbourne ay dalawin ang kanyang bunsong anak na naka-enrol sa University of Melbourne na nangungunang pamantasan sa Australia at nasa ikatatlumpot tatlong puwesto sa buong mundo sa kursong abogasya.