-- Advertisements --

Pinatawan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 10 manlalaro nito dahil sa paglalaro sa ibang liga.

Pinakamalaking pinatawan ng multa ay si Jio Jalalon ng Magnolia Hotshots na mayroong P100,000 dahil ito ay pangalawang paglabag na niya.

Napatawan na siya ng multa at sinuspendi na rin ng kaniyang koponan.

Mayroong tig-P50,000 na multa at dagdag na P20,000 dahil sa pagkakasangkot sa gulo si Beau Belga ng Rain or Shine at JR Quinahan.

Ilang mga manlalaro na napatawan ng ti-P50,000 ay sina Rey Nambatac at Jhonard Clarito ng Rain or Shine, Alec Stockton at Barkley Ebona ng Converg, Vic Manuel at Allyn Bulandi ng San Miguel Beermen at Arwind Santos ng North Port.

Ang nabanggit na mga manlalaro ay nakausap na mismo ni PBA commissioner Willie Marcial.