Nilinaw ng Comelec na may ilang sitwasyon silang papayagan ang paglilipat ng filing ng kandidatura para sa barangay at sangguniang kabataan elections.
Ang Filing of Certificate of Candidacy (COC) na nagsimula noong Agosto 28, 2023 at tatagal hanggang Setyembre 2, 2023 ay may ilang konsiderasyon para sa kapakanan ng mga aspirante sa barangay.
Dito kasi ay karaniwang inihahain ang COC sa City o Municipal Office of the Election Officer (OEO) na nakakasakop sa Barangay kung saan nais tumakbo at mahalal ng isang aspirante.
Gayunpaman, sa ilalim ng Section 191 ng COMELEC Resolution No. 10924, maaaring ilipat ang mga lugar para sa paghahain ng COC dahil sa mga kadahilanan tulad ng seguridad ng mga aspirante o kung empleyado ito ng COMELEC, maaari ding rason ang maliit na lugar, o iba pang nararapat na batayan.
Kung walang bagong venue ang nakalista dito para sa isang partikular na distrito, lungsod o munisipalidad, ang lugar ng paghahain ng COC ay mananatili sa kinauukulang syudad o munisipyong nakakasakop.