-- Advertisements --

Ilang partylist groups ang nagpalit ng kanilang nominee ngayong araw, bago ang pagtatapos ng deadline para sa substitution of candidates.

Kabilang sa nagsumite ng kaniyang withdrawal ng certificate of candidacy (CoC) sa tanggapan ng Comelec si Macnell Lusotan, 2nd nominee ng Marino partylist.

Pinalitan siya ng isang Karl Edgar Castelo.

Maging si dating MMDA spokesperson Asec. Celine Pialago ay nagtungo sa Palacio del Gobernador para i-file ang pagpapalit ng nominee ng Malasakit Movement partylist.

Bagama’t siya pa rin ang mananatiling first nominee, ipinasok naman nila si Eusebio Avanceña, na pinsan ni Honeylet Avanceña, bilang kapalit ni Malasakit partylist nominee Elizabeth Rodriguez.

Gayunman, hindi tinanggap ng poll body ang pagpapalit ng nominee dahil sa kakulangan ng ilang dokumento ng nasabing grupo.