-- Advertisements --
Nag-abiso ang Pagasa na maaaring bahain ang ilang lugar sa Mindanao, kahit malayo pa sa lupa ang tropical depression Ambo.
Ayon kay Pagasa forecaster Aldczar Aurelio, inilabas nila ng yellow rainfall alert sa Bukidnon at Davao del Norte.
Habang may bahagyang buhos na rin ng ulan sa North Cotabato, Davao de Oro, Davao Oriental , Lanao del Sur, Davao City, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat, Maguindanao at Agusan del Sur.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 330 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Halos hindi naman umusad ang sentro ng sama ng panahon sa nakalipas na maghapon.