-- Advertisements --

Pinatawan ng sanctions ng US Treasury ang ilang opisyal Iranian defense ministry na may kinalaman sa paggawa ng mga drones na ginagamit ng Russia sa pag-atake sa Ukraine.

Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken, na target ng nasabing sanctions ang Iran’s Aerospace Industries Organizations at maging ang anim na executive at board members ng US designated Qods Aviation Industries.

Itinuturing din aniya ni Blinken na ang Iran ang nangungunang sumusuporta sa Russia.

Sinabi naman ni Treasury Secretary Janet Yellen na patuloy sila sa paggamit ng lahat ng maaring magamit para tuluyang masawata ang ginagawang paggamit ni Russian President Vladimir Putin ng hindi makataong pag-atake sa Ukraine.