-- Advertisements --
sara 1

DAVAO CITY – Naghain na rin ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) si City of Mati Mayor Michelle Nakpil Rabat para sa kanyang second term sa bilang alkalde sa nasabing lalawigan.

Kasama ni Mayor Michelle ang kanyang nakababatang kapatid na si Councilor Eric Rabat na kakandito rin sa vice mayoral post.

Ilan rin sa mga naghain ng kanilang CoC ay sina incumbent City Councilors Xander Paul Alcantara, Kobe Capiña, Samuel Rodriguez, Dodo Miones at Edwin Barrera.

Nakiisa rin sa Team MNR ang dating konsehal na si Jimboy Dayanghirang at dating vice mayor Noli Balugo.

Samantalang ang Board Member na si Louie Rabat ang naghain ng kanyang CoC sa provincial Comelec office na kakandidato naman bilang congressman sa 2nd congressional district.

Aasahan rin na magpa-file ng kanilang CoCs in the coming days sa darating na araw sina 1st District Rep. Corazon Malanyaon na kakandidato bilang gobernador at Gov. Nelson Dayanghirang na tatakbo naman sa first congressional district post.

Habang wala pang pahayag si Incumbent Vice Mayor Glenda Rabat-Gayta na nasa kanyang huling termino bilang vice mayor kung anong posisyon ang kanyang tatakbohan.

Nabatid na si Gayta ay ang regional chairman ng People’s Champ Movement of Senator Manny Pacquiao na una ng nag-file ng kanyang CoC for president kahapon.