-- Advertisements --
Patuloy na inaalam ng mga kapulisan sa Canada kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng ilang milyong halaga ng mga kagamitan sa Pearson Airport sa Toronto.
Aabot sa $14 milyon na halaga ng mga gold at ilang mga mahahalagang bagay ang nawala matapos na ito ay maibaba sa eroplano.
Sinabi ni Regional Police Inspector Stephen Duivesteyn na ninakaw ng mga suspek ang gamit matapos na ito ay maibaba mula sa eroplano.
Paliwanag naman ng Greater Toronto Airports Authority na nakakuha ng access sa public side ng paliparan kaya malaya silang nakapasok at naisagawa ang pagnanakaw.