-- Advertisements --

Nagbigay ng tribute ang ilang mga kilalang singer sa pagpanaw ng sikat na Broadway composer na si Stephen Sondheim sa edad 91.

Si Sondheim ay pumanaw sa tahanan nito sa Connecticut.

Ilan sa mga kilalang nagpaabot ng tribute at kalungkutan ay ang beteranang singer na si Barbara Streisand at Lea Salonga.

Ang dalawang singer kasi ay siyang napiling kumanta ng mga kantang ginawa ni Sondheim.

Sa kaniyang Twitter account din ay nagpaabot ng pakikiramay ang Broadway at Hollywood actor Hugh Jackman sa pagpanaw ni Sondheim.