-- Advertisements --
Ilang mga artista ang may malaking papel sa kasal ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaza at sa coach nito na si Julius Naranjo.
Kabilang sa mga entourage ay sina Judy Ann Santos, Angel Locsin at Iza Calzado.
Ayon sa Pinay weightlifter, naging inspirasyon ang nasabing mga actress ng ating mga kababayan.
Naniniwala rin ito na ang mga taong napili nila ay siyang magbibigay ng gabay sakaling may problema silang kakaharapin bilang mag-asawa.
Gaganapin ang kasal ng dalawa sa Hulyo 26 sa Philippine Military Academy sa Baguio City o isang taon matapos na makamit ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Olympics.