-- Advertisements --
Nahirapan ang mga rescuers sa Thailand na ilikas ang mga residente sa Chaiyaphum matapos maapektuhan ng malawakang pagbaha.
Nasa pitong katao na ang nasawi kung saan 200,000 na kabahayan na rin ang naapektuhan sa 30 probinsiya ng bansa.
Labis na naapektuhan ang probinsiya ng Chaiyaphum kung saan nanatili sa kanilang bubong na ang mga ito.
Mula pa noong nakaraang linggo kasi ay naglabas na ng babala ang gobyerno sa posibilidad na tumaas ang tubig baha dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Tiniyak ng Thailand Government na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para hindi na maulit pa ang malawakang pagbaha.