-- Advertisements --
Hindi itinanggi ni Department of Trade and Industry (DTI) na nagbabadya sa susunod na taon ang pagtaas ng mga presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo na hindi magiging sabay-sabay ang pagtaas ng presyo ng mga apektadong produkto.
Pinayuhan din ni Castelo ang mga mamamayan na maging wais sa pagbili ng mga ihahanda ngayong Pasko at Bagong Taon.
Dapat aniya ay kumunsulta ang mga mamimili sa mga ipinaskil nilang mga presyo ng Noche Buena package para sila ay makatipid sa kanilang gastusin.










