-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang anim sa walong miyembro ng K-Pop group na Stray Kids.
Ayon sa management company na may hawak sa kanilan na JYP Entertainment na na-diagnosed ng respiratory illness ang miyembro nila na sina Bang Chan, Lee Know at Hyundjin.
Unang dinapuan ng virus ang rapper member na si Changbin nitong Biyernes matapos na mailabas ang kanilang kanta na “Oddinary”.
Nilinaw ng grupo na naturukan na ng bakuna ang nasabing grupo at wala aniya silang anumang mga sintomas.
Kasalukuyan ng naka-isolate ang mga nagpositibong miyembro at sila ay kasalukuyang nagpapagaling.