-- Advertisements --

Umani ng batikos mula sa mga fans ang palpak na pamimigay ng libreng tickets para sa concert para sa coronation ni King Charles III.

Inireklamo nila ang kumpanyang TicketMaster na siyang namamahala sa pamimigay ng tickets para sa “The Coronation Concert”.

Base sa ilang mga fans na nakatanggap sila ng email na sila ay nanalo ng libreng tickets subalit ng kanilang beripikahin ay naubos na ito.

Mayroong kabuuang 10,000 libreng tickets kasi ang nakatakdang ipamigay para sa concert na pangungunahan nina Katy Perry, Lionel Richie at Take That.

Idinaan ng mga fans ang kanilang pagkadismaya sa social media sa pamamagitan ng pag-screenshot ng email.

Tiniyak naman ng kumpanya na kanilang inaayos na ang nasabing problema.