-- Advertisements --
image 336

Naniniwala ang ilang mga eksperto sa Estados Unidos na gagana sa mga tao ang kidney ng mga baboy.

Ito ay matapos na ilipat ng mga doktor ang kidney ng isang genetically modified na baboy sa isang brain dead na pasyente.

Ayon sa mga eksperto, maayos pa ring gumagana ang nasabing kidney, 32 araw matapos ang ginawa nilang operasyon.

Ginawa ng mga doktor ang nasabing eksperimento sa pagnanais na masolusyunan ang problema sa mababang organ donation sa US.

Ang taong pinaglipatan sa nasabing kidney ay isang 57 anyos na lalaki at kinilala sa pangalang Maurice “Mo” Miller. Siya ay ibinigay bilang isang donasyon para sa ‘pagpapabuti ng agham’. Una siyang natukoy bilang clinically-brain dead noong Hulyo ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Dr. Robert Montgomery, director ng New York University Langone Transplant Institute, ang progresong ito ay isang malaking dahilan upang lalo pa nilang tutukan ang ganitong uri ng kidney transplant.

Unang isinagawa ng team ni Dr. Montgomery ang nasabing eksperimento noong September 2021 at inulit noong November 2021 ngunit umabot lamang ng hanggang dalawang araw ang tagumpay ng mga ito.

Noong Enero ng taong 2022, una ring nagsagawa ang University of Maryland Medical School ng isang operasyon kung saan inilipat nila ang puso ng isang baboy patungo sa isang tao.

Gayonpaman, tuluyan ding namatay ang taong pinaglipatan nito makalipas ang dalawang buwan o animnapung araw.

Ayon kay Dr. Montgomery, patuloy pa rin nilang tututukan ang progreso ng kanilang eksperimento