-- Advertisements --
Humingi na ng paumanhin ang airplane manufacturer na Airbus matapos na ireklamo sila ng ilang mga Chinese dahil sa pinagbawalan ang mga ito na makasakay sa German military plane.
Naganap ang insidente sa Singapore Airshow isa sa pinakamalaking exhibits ng mga commercial at military aviations.
Sa kumalat na video ay tinanong nagbabantay sa Airbus A400M transport aircraft ang isang babae at ng sabihin ito ay Chinese ay pinagbawalan nito kung saan sinabi na patakaran ito ng Germany.
May isa pa na itinaboy ng isang military staff papalayo sa nasabing eroplano.