-- Advertisements --

Muling nagpahayag ng suporta ang mga lider ng Germany, France, Italy at Romania na maging bahagi ng European Union ang Ukraine.

Sa kanilang ginawang pagbisita tiniyak nina German Chancellor Olaf Scholz, French President Emmanuel Macron, Italian Prime Minister Mario Draghi at Romanian President Klaus Iohannis na suportado nila ang Ukraine laban sa Russia.

Bukod sa tulong pinansiyal ay handa raw silang magbigay pa ng mga armas sa Ukraine.

Sa panig naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky hinikayat nito ang mga bumisitang lider ng iban bansa na patawan ng mas mabigat pa na sanctions ang Russia.