Dumami pa ang mga atleta ang nagbigay ng supota sa mga opisyal ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) matapos na sila ay patawan ng 90-day suspension ng Philippine Olympic Committee (POC) dahil sa alitan nila ni pole vaulter EJ Obiena.
Ilan sa mga dito ay sina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Aries Toledo, Melvin Calano, Christine Hallasgo and Sarah Dequinan.
Sa kabuuan ay 27 atleta k abailang ang 15 SEA Games medalist at 11 coaches na ang nagbigay ng suporta sa PATAFA.
Sinabi na apektado sila sa ginawa ng POC kung kayat nararapat na maayos na ang nasabing gusot.
Tiniyak naman nila na kahit may pagsubok na kinakaharap ang PATAFA ay nakatuon pa rin ang kanilang atensiyon para manalo sa anumang kumpetisyon.
Magugunitang pinatawan ng POC ang PATAFA ng 90 day suspension dahil sa hindi nila pag-endorso kay Obiena sa SEA Games at sa World Indoor Championship.










