-- Advertisements --

Inamin ni Red Cross chairman at Sen. Richard Gordon na nakatengga ang ilang makina nila dahil sa kakulangan ng mga susuriing sample.

Ayon kay Gordon, may ilang specimen na mali ang entry at hindi maisalang agad sa pagsusuri.

Kung tutuusin aniya, kaya sanang makapagproseso sa mga ito ng 12,000 swab samples kada araw.

Kaya naman, hinimok ng senador ang Department of Health (DoH) na kumuha ng dagdag na data encoder mula sa computer schools at iba pang grupo.

Agad naman itong sinang-ayunan ni Health Sec. Francisco Duque III at isasama na raw sa kanilang listahan ng mga gagawin.