-- Advertisements --

Maagang nag-abiso ang Department of Energy sa publiko hinggil sa posibilidad na makaranas ng brownout ang ilang lugar sa Pilipinas.

Sa gitna pa rin ito ng tumataas na power demand sa bansa, gayundin ang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang power outages sa ilang planta ng kuryente sa iba’t-ibang lugar.

Ayon ay DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, Sa kabila aniya ng posibilidad ng pagkakaroon ng brownout nang dahil sa manipis na suplay sa kuryente ay mayroon na silang nakahandang contingency measures para rito.

Aniya, kaugnay nito ay nagsagawa na ng kaukulang adjustments ang kanilang kagawaran sa kanilang projections ukol dito bilang tugon at maiwasan pa rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng brownout sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Kung maaalala, tinatayang nasa mahigit dalawang linggo nang isinasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines sa red at yellow alert nang dahil pa rin nararanasang manipis na suplay ng kuryente nang dahil na rin sa iba’t-ibang mga suliranin.