-- Advertisements --
maynilad

Nag-abiso ang Manila Water Company (Manila Water) sa mga maapektuhan na naman ng panibagong water interruption sa ilang parte ng lungsod ng Makati, Quezon, Mandaluyong, Pasig at Taguig maging sa munisipalidad ng Pateros sa Metro Manila dahil sa isinasagawang service improvement activities mula ngayong araw Marso 8 hanggang sa araw ng Biyernes, Marso 10.

Sa Makati City, magkakaroon ng water interruption sa ilang parte ng Barangay Poblacion mula alas-10 mamayang gabi hanggang alas-3 ng umaga ng Marso 9 dahil sa line meter at strainer declogging.

Sa Quezon city, maaapektuhan ang ilang parte ng Barangay Vasra at Project 6 partikular sa may Visayas Avenue mula alas-10 ng gabi ng Marso 9 hanggang alas-4 ng umaga ng Marso 10.

Inihayag din ng Manila Water na magsasagawa ng leak repair sa Barangay Valencia at Horseshoe partikular sa may broadway corner Aurora Avenue.

Ang mga maapektuhang lugar sa Makati city ay parte ng Barangay East Rembo partikular sa 19th Avenue corner C-5 Service road para sa line meter replacement.

Sa Mandaluyong city naman, maapektuhan ang parte ng Barangays Highway Hills, Wack-Wack at Pleasant Hills partikular sa may Samat corner Shaw Boulevard at Samat corner Calbayog sa Shaw Boulevard.

Maapektuhan rin ng water interruption ang parte ng Barangay Dela Paz sa Pasig City, Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City,Barangays Santo Rosario Kanluran, Santo Rosario Silangan sa Pateros.

Bunsod nito, inaabisuhan ang mga residente sa mga maapektuhang lugar na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nakatakdang water interruptions.