-- Advertisements --
image 411

Ramdam na ang epekto ng typhoon Egay sa ilang lugar sa Calabarzon region at Mindoro.

Sa may Quezon province na nakataas sa signal no. 1 ay nakapagtala ng nasa 200 pasahero na stranded sa mga daungan kasabay ng pagtataas ng alerto sa mga lugar na malapit sa baybayin.

Aabot sa 191 pamilya naman sa Calabarzon ang inilikas na sa evacuation centers base na rin sa data ng Office of the Civil Defense sa rehiyon.

Ilang insidente ng soil erosion ang naitala sa Taytay, Rizal, habang isa namang insidente ng landslide ang naitala sa Tagaytay, Cavite.

Ilang barangay din sa Rizal ang binaha dahil sa matinding pag-ulan dulot ng bagyo.

Sa kabutihang palad wala namang naiulat na property damage at casualties dahil sa bagyo.