-- Advertisements --

Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta habang isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road repair at reblocking works sa ilang bahagi ng Quezon City na nagsimula nitong Hulyo 3 at magtatapos ng Hulyo 6, 2026.

Ayon sa MMDA, inaasahang makaaapekto sa daloy ng trapiko ang mga isasagawang pagkukumpuni kaya’t hinihikayat ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit ng ibang ruta kung maaari.

Sa abiso ng MMDA, isasagawa ng DPWH ang restoration at reblocking sa mga sumusunod na lugar:

  • E. Rodriguez Jr. Avenue, mula sa dulo ng Ortigas Flyover northbound hanggang kanto ng Green Meadows Avenue
  • C-5 Road, mula sa harap ng UP Town Center hanggang sa kanto ng C.P. Garcia Avenue
  • Quezon Avenue, mula kanto ng Bureau of Internal Revenue hanggang sa harap ng Lung Center of the Philippines

Gagawin ang mga road works mula alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga upang mabawasan ang epekto sa daloy ng trapiko.