-- Advertisements --

Inalmahan ng ilang grupo ng mga overseas Filipino workers ang panukalang pagtatayo ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipino o DMWOF.

Nakasaad sa nasabing panukalang batas na nasa ilalim na ng DMWOF ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) , Ilang opisina ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Overseas Workers Welfares Association (OWWA).

Ayon sa ilang grupo na dapat hindi ito ngayon ang inuuna ng gobyerno dahil nasa COVID-19 pandemic tayo at hindi aniya ito nakakatulong sa mga OFW.

Magugunitang pinapamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng nasabing panukalang batas.