Nagpahayag suporta ang ilang mga lokal na opisyal mula sa Caraga at Northern Mindanao regions hinggil sa Transformation Program ng pamahalaan.
Sa isang statement ay iniulat ni Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity, Secretary Carlito Galvez Jr., na mayroong anim na gobernador, isang vice governor, at ilan pang mga local officials mula sa mga nabanggit na rehiyon ang sumuporta at nangako sa pagpapalakas pa sa implementasyon ng Transformation Program para sa mga dating rebelde sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar.
Ang pahayag na ito ng mga lokal na opisyal ay kasunod ng isinagawang pagpupulong ng mga gobernador ng naturang mga rehiyon, kasama ang national government agencies na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.
Tinalakay ng mga opisyal ay ang pag-align ng local initiatives sa mas malawak na objectives at leverage resources and expertise ng pamahalaan para sa mas epektibong implementasyon ng Transformation Program para sa mga miyembro ng rebelde.
Kabilang nadito ay ang pagpapalawak pa ng proyektong pabahay para sa mga dating rebelde at kanilang pamilya, proyektong pang-imprastrakttura, educational grants, amnestiya, capacity development, at pagsasanay para sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan.
Kung maaalala, sa ngayon ay nasa 28 lalawigan sa buon bansa ang nakabuo na ng kani-kanilang Transformation Program na bahagi ng peace-building initiative ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.